Watch: https://www.youtube.com/watch?v=9X4Tn2Mzwvw

Mensahe ni FEU President Dr. Michael M. Alba

Magandang gabi sa buong FEU Community!

Ikinagagalak ko kayong makasamang muli nang face-to-face sa pagsisimula ng Pasko sa Piyu!
Malamang alam niyo na na tayo ngayon ay nasa unang linggo ng Adbiyento. Pero unti lamang siguro ang nakakaalam na simula nung taong 2016 ay unti-unting humahaba ang panahon ng Adbiyento at nadadagdagan ito ng isang araw. Ngayong taon ay ang pinakamahabang panahon ng Adbiyento dahil ang Pasko ay tumapat sa araw ng Linggo.

Kaya rin ang Adbiyento ay tatagal ng apat na linggo o dalawampu’t walong (28) araw. Sa susunod na taon ay magrerestart ang cycle at ito ay magiging pinakamaigsi at tatagal ng tatlong linggo o dalawampu’t dalawang (22) araw.


Ako ay nagagalak na mahaba ang Adbiyento sa taong ito dahil sa dami ng ating pinagdaanan ay kailangan talaga natin ng mas mahabang panahon para magpahinga, mapagisip, at maglibang.

Para sa pagbukas ng taong 2023 ay tayo ay puno ng sigla para harapin ang ating mga tungkulin at pangarap sa buhay.

Sa gabing ito, pansamantala muna niyong kalimutan ang problema at pangamba. Nawa’y pag-asa at pasasalamat ang manirahan sa inyong mga puso.
Ang tema ng Pasko sa Piyu “Panunuluyan” ay naaakma. Tulad ni Maria at Jose na naghahanap ng matutuluyan sa gabing ipiningangak si Hesus, tayong lahat rin ay naglalakbay at naghahanap ng tunay na pahinga at kaligayahan ng ating puso.
Nawa’y sa pamamagitan ng pagpapailaw ng Christmas Tree ay maramdaman niyo na ang kadiliman o ang mga problema natin ay matatapos din at muling magkakaroon ng liwanag.

Mauna na akong batiin kayong lahat ng masaya at mapagpalang Pasko!