Ang Sanggunian sa Filipino (SANGFIL) ay organisasyon na binuo ng mga Pangulo ng iba’t ibang kolehiyo at unibersidad sa Pilipinas. Itinatag ito noong 1994. Ang FEU ay isa mga lihetimong kasapi ng SANGFIL. Pangunahing layunin nito na tugunan ang mga hamon sa edukasyon at pagtuturo, wika at panitikan, pagsasagawa ng mga seminar-worksyap at pagsasanay para sa mga guro.
Hinihikayat nito ang mga guro at mag-aaral sa pagsisinop at pagpapahusay sa pagsulat ng mga papel-pananaliksik tungkol sa wika, kultura, midya, edukasyon, pagtuturo at iba pa. Patuloy sa paglibot ng SANGFIL sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas upang magbigay ng libreng seminar-workshop, pagsasanay at pananaliksik sa lahat ng antas ng edukasyon sa pamamagitan ng programang “Sangfil Lakbay-Turo”.
Noong Hulyo 19-21, 2019 ang grupo ng SANGFIL ay nagsagawa ng Lakbay-Turo sa Nueva Ecija. Kasama sina Jorge Cuibillas (Tagasuri) at Jocelyn Azarcon (Miyembro ng Lupon) ng FEU-TLFilipino na nagsilbing tagapagsanay (trainer) sa mga guro ng Filipino sa Senior High School sa apat (4) na distrito ng Cabanatuan, Nueva Ecija.
Ang pagsasanay ay dinaluhan ng isandaang (100) guro mula sa CD1 Aliaga, Cuyapo East, Cuyapo West, Guimba East, Guimba West, Licab, Nampicuan, Quezon, Sto. Domingo, Talavera North, Talvera South Zaragosa; CD2 Carranglan, Llanera, Lupao, Pantabangan, Rizal, Talugtug; CD3 Bongabon, Gabaldon, Gen. Natividad, Laur, Palayan City, Sta. Rosa North, Sta. Rosa South; at CD4 Cabiao, Gen. Tinio, Jaen North, Jaen South, Peñaranda, San Antonio, San Isidro, San Leonardo. Dumalo sa nasabing gawain at programa ng SANGFIL ang mga Principal, Assistant Principal sa Senior High School at mga kawani ng Dep-Ed, Nueva Ecija.
Pamunuan ng Sanggunian sa Filipino (SANGFIL)
President Prof. Ramil Correa De La Salle University-Manila
Vice President Dr. Robert Ampil University of Santo Tomas-Manila
Secretary Prof. Mic Camba University of Asia & the Pacific
Treasurer Dr. Jimmuel Naval University of the Philippines-Diliman
Auditor Dr. Jorge Cuibillas Far Eastern University-Manila
Miembro ng Lupon:
Prof. Jocelyn Azarcon Far Easter University-Manila
Prof. Ma. Elena Bautista University of Baguio
Prof. Vangie Alvarez De La Salle University-Manila